Naniniwala ang misis ng actor-director na si John Prats na si Isabel Oli na bilang mommy, nararapat ding maging maingat sa "name-calling" na posibleng makapagdulot ng epekto sa mental health, tiwala sa sarili, at personalidad ng mga anak.

"Even the simplest forms of name-calling can have damaging forms to a child's confidence, personality and mental health," ani Isabel sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Setyembre 10, 2022.

"We, as parents, have a responsibility to secure our children’s well-being. We should encourage them to be kind, and show them that they are loved and respected no matter what," aniya.

Hinikayat ni Isabel ang mga momshies na gaya niya na mag-download ng isang kit upang mas matutunan pa ang wasto at responsableng pag-aalaga sa mga junakis.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

"…learn more about making positive conversations to develop your children’s sense of self-esteem and confidence…" paalala ni Isabel.

Sina John at Isabel ay may tatlong anak; sila ay sina Lilly Feather, Daniel Freedom, at Lilla Forest. Akma kay Isabel ang paalalang ito lalo't kakaiba ang second name ng kanilang mga anak.