Kakaibang "prank" ang ginawa ng komedyante-TV host na si Ethel Booba!

Minabuti niyang mamahagi ng ayudang ₱10K sa sinumang taong magbibigay ng barya o tulong sa kaniya, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapanggap na nawalan ng pitaka.

Upang hindi siya kaagad makilala, bukod sa face mask ay nagsuot pa siya ng peluka o wig upang maging kapani-paniwala ang kaniyang prank. Kunwari ay kailangan lamang niya ng pamasahe kaya todo-pagmamakaawa siya sa mga nasa remittance center.

"Oh my gosh I forgot my wallet!" eme-eme ni Ethel.

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

Halo-halong emosyon naman ang naramdaman ng random strangers. Natuwa sila nang mag-grand reveal ang komedyante na siya si Ethel Booba. Naiyak naman sila at naging emosyunal dahil hindi sila makapaniwalang ang baryang itinulong nila, higit pa sa doble ang kapalit, matapos i-abot ni Ethel ang ayudang 10 kiyaw, cash.

Umani naman ito ng positibong reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"What a good deed you have done today Ethel. Can you imagine the joy you gave to these people? It’s how you make one feel that will distinguish a real good person from someone who is just trying to put up a front. I bet you your channel will be known not just for making viewers laugh, but more so you will be known now as a person who makes a difference. Saludo ako sa yo Ethel. You became an angel in the midst of these individuals you bumped into you did not even know . God bless you more!"

"Nakakatuwa ka naman Miss Ethel. Sana lahat ng vloggers will also share their blessings. This is one way of thanking your subscribers. May God will continuously shower you and your family with his overflowing abundance and goodness of life. God bless you and your family always."

"Ethel, has a big heart. Stay bless and healthy."

Sa ngayon ay may 202,333 views na ang vlog na inupload noong Setyembre 9.