Marami ang aprubadong "carbon copy" o magkamukhang-magkamukha ang noo'y 13 anyos na si Doug Kramer at anak na dalagita nila ni Cheska Garcia na si Kendra, matapos niyang pagkumparahin ito sa kaniyang Instagram post.

"13 and 13! 😂"

"Doug AND Dougita," caption ni Doug kalakip ang litrato niya noong 13 taong gulang siya, at litrato ni Kendra na 13 taong gulang ngayon.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Napa-wow naman ang mga netizen, gayundin ang mga celebrity dahil para talaga silang pinagbiyak na bunga! Mag-ama nga sila!

"Like father, like daughter… AS IN!!!!!" sey ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Binuyo naman ni Doug ang misis na si Cheska, "Hahaha see @chekakramer! Told ya."

"Carbon copy!" komento naman ni Bianca Gonzalez.

Ikinasal sina Doug at Cheska noong Oktubre 2008. Sa ngayon ay may tatlo na silang anak: sina Kendra, Scarlett, at Gavin. Kilala sila sa social media bilang "Team Kramer".