Agad na nag-viral sa social media ang bakulawan nina Asia’s Songbird Regine Velasquez at Asia’s Phoenix Morissette Amon sa episode ng ASAP Natin ‘To nitong Linggo.

Sa segment na “The Greatest Showdown” ng musical variety show ng Kapamilya Network, kinanta ng dalawa ang hit OPM song na “Gusto Ko Nang Bumitaw” ni Jonathan Manalo.

Kilalang mahirap na piyesa ang kanta kaya naman bakulawan at bosesan ang naging tapatan ng dalawang OPM singers na agad na nag-viral sa social media.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Trending din ang performance sa Twitter.

Ilang netizens ang humanga sa parehong husay ni Mori at Regine.

Hinangaan din ng fans ang nananatiling mataas na range ni Regine matapos ang ilang dekada sa industriya.

Aprub naman maging kay Jonathan ang trending collab ng Pinay divas.

“What an awesome live performance of #GustoKoNangBumitaw by Johanne Morissette Amon & Regine Velasquez-Alcasid! 👏🏻👏🏻👏🏻” anang composer sa isang Facebook post.

&t=82s

Masaya rin si Jonathan sa naging success ng kanta na una nang napakinggan sa ilang teleserye kabilang ang matagumpay na Philippine adaptation ng “The World of the Married” na “The Broken Marriage Vow” sa interpretasyon ni Morissette.

Ang tinaguriang “Crystal Voice of Asia” na si Sheryn Regis ang kauna-unahang nagrekord sa kanta.