Natawa na lamang ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad sa kaniyang bashers dahil pati raw ang pet dog at cat nila ay pinadadalhan ng mensahe upang okrayin.

"Tawang-tawa talaga ako sa mga taong sobrang desperate na mang-bash at saktan ako na pati mga aso’t pusa ko mine-message na nila," saad ni Alexa sa kaniyang tweet, Sabado, Setyembre 10.

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

https://twitter.com/alexailacad/status/1568534643800166401

Hindi naman tinukoy ni Alexa kung anong klaseng bash ang ginawa sa kaniya at pati mga alaga nila ay nadamay.

Nagkomento naman dito si Miss Universe Philippines 2014 at TV host MJ Lastimosa.

"Kaloka pag sumagot yung mga alaga mo no? Tas minura sila #whatif," aniya.

Samantala, nagbigay naman ng encouraging words ang mga tagasuporta niya upang huwag nang patulan ang bashers.

"That's how desperate people are, Lex. You do you always as long as you’re doing the right thing. We love you!!! Always here for you no matter what. Don’t mind them, they don’t have a happy life."

"Lex, sila yung trabaho sa buhay ay maghagis ng kasamaan sa mundo. They can never put you down, for your star has shined and will continue to shine its brightest. God has heard you & now your time has come for your good."

"Those are unhappy people, their hearts are full of envy and bitterness, never mind and entertain their negativity. You are a good person and we are only answerable to the God Almighty."

Samantala, nasasabik na ang mga tagahanga ng tambalan nila ni KD Estrada na "KDLex" para sa kanilang upcoming series na "Run To Me" na mapapanood na ngayong Setyembre 11, 8PM sa platforms ng Kapamilya Network.

https://twitter.com/MaricelNable/status/1568536908787253249