Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga -- Nailigtas ang apat na menor de edad na umano'y sangkot sa ilegal na sex trade sa Bulacan, Sabado ng hapon, Setyembre 10.

Inaresto rin ng Central Luzon Cop ang sinasabing suspek na menor de edad din.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang mga iligal na aktibidad ay iniulat sa mga awtoridad.

Ayon kay Police Regional Office 3 acting Director Brigadier General Cesar Pasiwen,nagsagawa ng entrapment at rescue operation ang mga awtoridad sa loob ng DM Travelers Inn Garahe, Brgy. Sta Barbara, Baliwag, Bulacan.

Ang mga nasagip na biktima at suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng Regional Anti- Trafficking in Person Task Group (RATTG 3) para sa tamang disposisyon.

Sinabi ni PBGEN Pasiwen na ang operasyong isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng iba't ibang police units ay mahigpit na nagpapadala ng mensahe na mahigpit na ipinatutupad ng PNP ang mga nakatutok na police operations nito para masugpo ang lahat ng uri ng kriminalidad sa loob ng apat na sulok ng bansa.