Itinaas na sa₱300,000 ang iniaalok na pabuya ng Calatrava government sa Negros Occidental laban sa hitman ng New People's Army (NPA) na si Roger Fabillar, alyas "Arnel Tapang" at "Jhong" kaugnay ng seye ng pamamaslang ng umano'y grupo nito sa lalawigan.

Sa pahayag ng Philippine Army (PA)-79th Infantry Battalion (79IB), dati nang ikinasa sa₱100,000 ang reward sa ikaaaresto ni Fabillar at dinagdagan ng₱200,000 dahil sa patuloy na paghahanap sa nasabing rebelde.

“Any information that will lead to the arrest of alias Jhong will get the reward money being offered by the local government unit amounting to PHP300,000,” sabi ni Lt. Col. J-jay Javines, commanding officer ng 79thIB.

Kamakailan, sinabi ng militar na nagsagawa ng special operations ang grupo ni Fabillar na remnants ng nalansag na NPA Northern Negros Front na nagresulta sa sunod-sunod na pamamaslang sa nasabing lugar.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nitong Sabado, nagpasabog ng "wanted" leaflets sa himpapawid ang mga sundalo sa liblib na lugar ng Calatrava sa pag-asang matulungan sila ng komunidad sa agarang pag-aresto kay Fabillar.

“I encourage everyone to continuously support our campaign against the terrorist group. Your information and cooperation are vital to us,” ani Javines.

Nitong Agosto, tatlo umano ang napatay ng grupo ni Fabillar sa naturang bayan, kabilang na ang Barangay chairman ng Lalong na si Benjamin Javoc.

Sinampahan na rin ng kaso sa hukuman ang pitong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) dahil sa pagpatay kay Javoc.

PNA