Ibinahagi ng partner ni dating Hasht5 member Marlou Arizala o kilala na ngayon bilang "Xander Ford" ang kaniyang anim na buwang pagbubuntis.

"Para po sa mga di pa nakakaalam yes po pregnant po ako for 6 months at ang daddy po ay si Xander Ford," saad ni Gema Mago sa kaniyang Facebook post.

"Alam ko po maraming magsasabi na masyado pang maaga para magka-anak kami and aminado po kami doon pero hindi pa naman po doon natatapos ang journey naming dalawa."

"Hindi po porke't nagka-anak na kami ay doon na titigil ang mga pangarap namin at ang buhay namin. Bagkus, isa po ito sa magiging inspirasyon naming dalawa para mas pag-igihan pa sa mga goal namin sa buhay."

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Papanindigan namin ito at papalakihin namin ang magiging baby namin nang maayos at ipapangako namin na magiging isang mabuting magulang kami sa kaniya," pahayag ni Gema.

May pakiusap naman siya sa bashers ng ama ng kaniyang ipinagbubuntis.

"Sa mga basher din po okay lang po kami ang ibash ninyo wag lang po yung magiging baby namin please lang," aniya.

Matatandaang nauna nang ibinuking ng "boss" ni Xander Ford na si "Pambansang Lalaking Marites" Xian Gaza na magiging tatay na ito.

Kinukuha pa ngang ninong ng kaniyang magiging anak si Xian. Pabirong sinabi ni Xian na sana raw, huwag maging kamukha ni Xander ang kaniyang magiging anak.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/im-a-dad-na-xander-ford-magiging-tatay-na-xian-gaza-kinukuhang-ninong/">https://balita.net.ph/2022/08/08/im-a-dad-na-xander-ford-magiging-tatay-na-xian-gaza-kinukuhang-ninong/(opens in a new tab)