Matapos ang pinag-usapang vlog ng komedyanteng si Divine Tetay kung saan umamin doon si Beks Battalion MC, at pageant personality na si Jherald Castañeda na sila umano ay “dating,” ikinambyo naman agad ito ng kaibigang si Chad Kinis at ng mismong binata.

Napakomento na rin ang isa pa sa Beks Battalion squad na si Chad sa mga lumabas na ulat mula sa vlog ni Tetay kamakailan.

“They are not dating. It was meant to be a joke to mess around with Donita and Tetay dahil couple night nila and single si Mc and Jherald was kind enough to ride on lang hahaha,” saad ni Chad.

Sa naturang vlog kasi, mula dulo ay ganap na ganap sina MC at Jherald sa kanilang pagpapanggap.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Hindi rin nabanggit sa naturang vlog na isa pa lang prank ang lahat.

Samantala, nakarating din kay Jherald ang mga larawan at ulat sa umano’y relasyon nila ni MC, at kagaya ni Chad ay nilinaw niyang “just for fun” lang ang nakita sa vlog.

“I know some of my photo posted on some page with Mc Muah Ginawa po namin yung Video na yun just for fun and just to entertain people you all know naman na comedian mga kasama ko,” ani Jherald.

Dagdag niya, nakakasama niya talaga ang grupo “kasi sobrang solid nilang kasama.”

Tinutulungan din umano ng grupo ni MC ang binata na makahanap ng mga project.

Sa mga previous posts ng binata, makikitang tila malapit nga ito hindi lang kay MC kundi maging sa buong circle ng sikat na mga YouTube vlogger.

Si Jherald ang reigning titleholder ng Mister International Philippines.