Ibinahagi ng model-TV host na si Maggie Wilson na nakatanggap siya ng notice na sinampahan umano siya ng public case ng negosyanteng si Rachel Carrasco, ayon sa kaniyang Instagram story nitong Setyembre 9, 2022.

"Today, I received notice that Rachel Carrasco filed a public case against me. Maybe, she doesn't know that what I posted wasn't even 1% of what I have from the years gone by but that's ok."

"We'll let the courts decide," dagdag pa niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa IG story ni Maggie Wilson

Sa iba pang IG stories ay makikitang tila unbothered si Maggie sa mga bintang ng estranged husband tungkol sa kanila ng business partner na si Tim Connor dahil batay sa mga litrato, makikitang magkasama sila sa business meetings.

Matatandaang "kinaladkad" ni Maggie ang pangalan ni Rachel, kaugnay ng kaniyang estranged husband na si Victor Consunji.

“In 2019, a woman (one) of despite her being married at the time, I found was taking ‘trips’ and checking in to various hotels with him, without my knowledge. She has recently been posting in our ‘conjugal home,’ living her best life! Despite this, I have been accused of adultery and issued an arrest warrant,” pagsisiwalat ni Maggie.

Makikita rin sa serye ng IG stories ni Maggie ang larawan ng nakakaladkad na si Rachel na umano’y mga larawang nakunan habang nasa loob ng pamamahay ni Maggie at Victor. Maagap na depensa ni Maggie, mula sa ilang public posts sa social media nakolekta ang mga naturang larawan.

Dalawang larawan din na makikitang magkayakap at magkahawak-kamay sina Victor at Rachel ang ibinahagi rin ni Maggie sa kaniyang IG story.

Hindi naman idinetalye ni Maggie kung ano ang kasong isinampa umano sa kaniya ni Rachel.