Inaasahang makaranas ng matinding pag-ulan sa dulong Northern Luzon, Central at Southern Luzon dulot ng bagyong 'Inday' na nananatili pa rin sa Philippine Sea.

Sa latest bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo395 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang hanging 130 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugso nitong hanggang 160 kph.

Kumikilos pa rin ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Inaasahan ng PAGASA na tatahakin ng bagyo ang karagatan ng Taiwan bago ito humina at kikilos pa-hilaga kanlurang hilaga sa Lunes ng hapon.

Sa pagtaya ng PAGASA, lalabas na ng bansa ang bagyo sa Martes ng hapon o Miyerkules ng madaling araw.