Inamin ng aktor na si Diego Loyzaga na ang pinaka-wild na pelikulang nagagawa niya, so far, ay ang "Pabuya" nila ng dating "Pinoy Big Brother" (PBB) housemate na si Franki Russell, na kamakailan lamang ay na-link sa kaniya.

Sa isang interbyu, sinabi ni Diego na hinding-hindi niya malilimutan ang naturang pelikula. Ito na raw kasi ang pinaka-"all the way" niya sa lahat ng mga naging pelikula niya sa Vivamax.

“I have to say, even for me, ito na siguro ang pinaka-wild na nagawa ko na movie. I was like, you know what, if we're gonna do this, might as well go all the way,” ani Diego.

Unang beses na sumabak sa sexy scene ang napabalitang naging karelasyon niyang si Franki, subalit ginabayan naman daw niya ito. 'Yun nga lang, di maiiwasang mangapa-ngapa pa ito sa maraming bagay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“It was fun and it’s cute working with her because there’s so many things that she doesn’t know yet,” paliwanag ng unico hijo ni Cesar Montano, na nakasama niya sa pelikulang "Maid in Malacañang".