Lumantad sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon ang kilalang YouTube vlogger at Beks Battalion member na si MC Muah kasama ang manliligaw na si Misters of Filipinas 2021 finalist at Mister International Philippines 2022 alumnus Jherald Castañeda.

Sa isang YouTube vlog ng kaibigang si Divine Tetay kamakailan, magkakasama ang kilalang komedyante at magkakaibang sina MC, Divine Tetay, Donita Nose at ang kaibigan nilang si Chef Jeremy sa isang intimate dinner.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Tinawag nila itong “pares-pares date night” dahil kasama ng magkakaibigan ang kani-kanilang partners.

Highlight naman ng reunion ang kasama ni MC na si Jherald, isang pageant personality, na unang na-meet ng mga kaibigan ng nililigawang vlogger.

Dito ipinakilala ni MC si Jherald at umamin ang dalawa na kasalukuyang nasa “dating” status sila.

Masaya naman ang mga kaibigan ng Beks Battalion member na sa wakas ay mayroon na itong romantic relationship.