Hindi pa man natatapos ni Unkabogable Star Vice Ganda ang tanong niya kay "Diyosa" Anne Curtis-Heussaff tungkol sa "Sino ang mas masasaktan kapag nagkahiwalay sa isa't isa, ang anak o ang ina?" ay naging emosyunal na kaagad ito.

Ito kasi ang paglalabanan sa "Miss Q&A: Kween of the Multibeks", at ayon kay Vice, only moms can tell kung ano ba talaga ang pakiramdam.

Kaya naman natanong niya si Anne kung ano ang opinyon niya tungkol dito, yaman din lamang at isa na rin siyang momshie sa anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie.

"Naiyak nga ako sa tanong eh…" teary-eyed na sey ni Anne.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

"Kasi ayoko if ever na mangyari 'yon… but you know, I think as a mom, eventually as they grow up, you have to let them spread their own wings and fly, 'di ba…"

Anne Curtis (Screengrab mula sa YT Channel ng ABS-CBN Entertainment)

Pero bumanat din naman ng biro si Anne.

"Pero matagal pa naman 'yon, so i-enjoy ko na muna nang bonggang-bongga ang pagiging mommy, but ang hirap din kasi I think it also depends on the situation."

Sa kabilang banda raw, masakit din para sa isang anak na mahiwalay sa kaniyang ina.

"It really depends on the situation…" giit pa ng TV host habang humuhugot ng tissue paper na iniabot sa kaniya ng co-host na si Vhong Navarro.

Upang maibalik sa kasiyahan ang atmospera ay biniro na lamang ni Vice Ganda si Ogie Alcasid na naiiyak na rin.