CAMP GEN. PACIANO RIZAL, Sta. Cruz, Laguna - Arestado ang isang 31-anyos na vlogger at dalawang kasamahan matapos masamsaman ng₱3.7-M halaga ng pinaghihinalaang high-grade na marijuana sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay San Isidro, San Pablo City nitong Sabado ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive DangerousDrugs Act of 2002 ang mga suspek na kinilala ni Laguna Provincial Police Office officer-in-charge, Col. Randy Glenn Silvio, na sina Jerome Layson, vlogger; Ginalyn Benisa, 30, at Crismark Alimagno, 21, pawang taga-Brgy. San Isidro, San Pablo City.

Sa ulat ng San Pablo City Police Station, naaresto ang mga suspek matapos bentahan ng pinatuyong dahon ng marijuana ang isa police poseur-buyersa naturang lugar dakong 3:18 ng madaling-araw

Nakumpiska sa mga suspek ang siyam na medium-size heat-sealed transparent plastic bag na naglalaman umano ng high-grade na dahon at buto ng marijuana na nasa 2.5 kilo at nagkakahalaga ng₱3,750,000 at isang maleta.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang mga suspek ay pansamantalang nakakulong sa San Pablo City Police Station.