Umaalma ang mga negosyante kaugnay ng paninisi ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka sa nararanasang oversupply ng mga gulay sa bansa.

Sa pahayag ni League of Associations at the La Trinidad Vegetable Trading Area spokesperson Agot Balanoy,dapat na gumawa ng hakbang ang DA at pangunahan ang programa sa pagtatanim ng gulay upang hindi na maulit ang usapin.

Tugon ito ni Balanoy sa naging pahayag ni DA Secretary Domingo Panganiban na hindi nag-iisip ang mga magsasaka sa pagtatanim ng gulay na nagresulta sa lagpas sa inaasahang produksyon.

Depensa naman ni Balanoy, hindi alam ng mga magsasaka kung ano ang kanilang itinatanim sa iba't ibang lugar sa bansa. 

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

"Yung nangyayari kasi na oversupply totoo na walang programming dito pero I don't think kasalanan 'yun ng farmer, 'yung sasabihin na dapat sila ang nag-iisip kung ano ang itatanim para hindi magkakaroon ng oversupply o undersupply," lahad ni Balanoy nang kapanayamin sa telebisyon.

'"Yung mga farmers kasi individual farmers 'yan. 'Yung itinanim niya sa munisipyo, hindi niya alam kung ano ang itinanim sa ibang munisipyo. They don't have any way of knowing kung yungitinatanimnila ay itinanim din ng kasama nila," aniya.

"Kailangan talaga ng crop programming but we cannot ask the farmers to do it themselves. Maganda nga po ang Department of Agriculture angmangungunasa pagpaplano ng crop programming na ito para maiwasan yung oversupply," banggit nito.

Nauna nang kinumpirma niBenguet Agri-Pinoy Trading Center chief operations officer Jesson Del-Amen na ibinaba nila ang presyo ng kanilang gulay upang madaling maubos dahil sa sobra-sobrang suplay nito.