Mahigit na sa 3.9 milyon ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Pilipinas.
Sinabi ng Department of Health (DOH) na umabot na sa3,901,033 na ang kaso nito matapos maitala ang2,313 na bagong nahawaan ng sakit nitong Biyernes.
Ang 765 na mula sa naturang bilang ay naitala sa Metro Manila.
Kabilang sa kabuuang bilang ang 24,300 na aktibong kaso nito sa bansa.
Kabilang na ang 43 na binawian kaya tumaas na sa 62,249 ang nasawi sa Covid-19 simula nang maitala ang unang kaso ng sakit noong 2020.
Naitala rin ng ahensya ang total recoveries na 3,814,484 mula sa mahigit na 3.9 milyong nahawaan ng virus.