Bahagya pang lumakas ang bagyong 'Inday' habang nasa Philippine Sea, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes.

Sa abiso ng ahensya, huling namataan ang bagyo 870 kilometro silangan ng Central Luzon, taglay ang hanging85 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsonghanggang105 kilometro kada oras habang kumikilos pa-kanluran.

Inaasahang magpapaulan ito sa bansa sa susunod na 24 oras.

Sa pagtaya ng PAGASA, kikilos ang bagyo sa hilagang kanluran ng Philippine Sea kung saan inaasahang mag-iipon pa ng lakas bago lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na linggo.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi pa ng PAGASA na ang naturang bagyo ay ika-siyam na pumasok sa bansa.

Sampung bagyo pa ang inaasahang papasok sa Pilipinas ngayong taon, ayon pa sa PAGASA.