Bukod sa sweet messages na ibinahagi nila sa isa't isa, bumulaga sa publiko ang regalong luxury car ng aktor na si Derek Ramsay para sa kaniyang misis na si Ellen Adarna.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong Nobyembre 2021.

"Advanced happy anniversary to the love of my life," pagbati ni Derek sa kaniyang Instagram post, Miyerkules, Setyembre 7.

"Thank you for giving me so much love. I've really found true happiness. 😍😍😍😍 I love you so much!!!! So so much!!"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Agad namang tumugon dito si Ellen. Aniya, kiss at hugs lang ni Derek ay sapat na sapat na para sa kaniya.

"I like it but you know my love language is physical touch and quality time soooo your hugs and kisses are myyyyy number 1 ❤️ I love youuuuuu. I know you'll enjoy driving my car nyahahhahahahahahahahahahahah."

Kalakip ng video nito ang pagmamaneho ni Ellen sa kotse, na mahihinuhang isang Bentley Bentayga, na ayon sa ulat, ay aabot sa halagang ₱29.97M.