Kumasa ang Kapuso star na si Rhian Ramos “How Well Do You Know" segment ng "The Boobay and Tekla Show" o TBATS noong Linggo, Setyembre 4.

Natanong si Rhian kung alin sa sumusunod ang pinandidirihan niya sa isang lalaki: may mahabang kuko, may mahabang buhok sa dibdib, o may mahabang leeg.

Sagot ni Rhian, ayaw niya sa lalaking may mahahabang kuko.

"Matindi ‘yung imagination ko so kapag nakakakita ako ng mahabang kuko sa lalaki lalo na kung isa lang…naiisip ko na ‘yung purpose no’n. Tapos nai-imagine ko na lagi," natatawang sey ni Rhian, na ang tinutukoy ay pangungulangot.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

Samantala, noong Hulyo ay kasama ni Rhian ang kaniyang bagong nobyong si Sam Verzosa, nang dumalo sila sa GMA Thanksgiving Gala Night.