Umani ng iba't ibang reaksiyon ang linyahan ng aktres na si Janella Salvador bilang "Regina Vanguardia" sa action series na "Mars Ravelo's Darna" dahil sa tila may pinatatamaan daw ito.

"Marami sa atin ang takot sa babaeng ahas, pero alam mo ang mas nakakatakot? Wala pa ring plano ang mga nasa puwesto?" aniya sa episode nito noong nakaraang Biyernes.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na ang ilan ay below the belt pa.

"Huwag mong intindihin yung nasa pwesto, yung buhay mo ang intindihin mo dahil hindi ka man lang nagplano."

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

"Anong nangyari Inday Janella? Ayusin mo na lang yang pagganap mo bilang ahas."

"Sa sunod tumakbo ka para alam mo, 'wag puro arte! Demanding ka masyado. Anong alam mo?"

Samantala, matatandaang sinabi na rin ng batikang artistang si John Arcilla na nakakatakot ang ganitong uri ng kaisipan ng ilang mga manonood, dahil hindi na raw nila napaghihiwalay ang realidad sa palabas lamang.

Nakaranas kasi ng death threats si Arcila dahil sa kaniyang pagganap bilang Renato Hipolito sa katatapos lamang na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano".

Gayundin, kinuwestyon din ng mga netizen ang linyahan niya tungkol sa "Ako ang Pangulo ng Bagong Pilipinas".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/28/john-arcilla-sa-ilang-pinoy-audience-ito-ang-dahilan-bakit-maraming-naniniwala-sa-maling-kuwento/">https://balita.net.ph/2022/08/28/john-arcilla-sa-ilang-pinoy-audience-ito-ang-dahilan-bakit-maraming-naniniwala-sa-maling-kuwento/