Hindi pinalampas ni Wilbert Tolentino ang isang blind item tungkol sa “bibidahin”  at “uma-attitude” na umano niyang talent na si Herlene Budol.

Ani Wilbert, sigurado siyang si Herlene ang tinutukoy ng isang blind item ng entertainment portal na PEP nitong Martes.

Kabilang sa mga naisulat sa blind item ang umano’y pahirapang pag-imbita sa talent dahil sa nabago nang imahe nito.

Matatandaang nakilala bilang komedyante at “Hipon Girl” si Herlene bago sumabak at pinatunayang may ibubuga sa kaniyang first runner-up finish sa nagtapos na Binibining Pilipinas 2022.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag ng blind item, ang tinutukoy na talent ay hindi na raw maaaring sumabak sa mga programang SPG o Strictly Parental Guidance.

Depensa ni Wilbert, nais niya lang protektahan si Herlene na noo’y nakatatanggap ng kaliwa’t kanang inquiries habang hindi pa pirmado sa kontrata ng Binibining Pilipinas.

“Siyempre bilang manager, obligasyon ko [na] protektahan ang artist ko dahil may tamang proses at kinakailangang dumaan ito sa organisasyon ng BBP,” aniya.

Tila dismayado din ang manager sa naturang showbiz portal na aniya’y may maayos umano relasyon.

Si Wilbert ang nagbukas ng maraming oportunidad at bumago sa imahe at buhay ni Herlene na nakatakda ring sumabak sa Miss Planet 2022 sa Uganda.

Basahin: Herlene Budol, itinalagang Miss Planet Philippines 2022, kakatawanin ang bansa sa Uganda – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid