Hangad pa rin ni dating two-time most valuable player (MVP) James Yap na masungkit ng Rainor Shine (ROS) ang kampeonato sa pagmamando ng bumalik na head coach na si Yeng Guiao.
“Kahit si James ganado na bumalik.If James continues to practice with the team we are sure makabalik siya," sabi ni ROS team owner/sportsman Terry Que. Kasama rin ni0 Que na may-ari ng koponan si Raymond Yu.
Dati nang naghain ng walong buwang pagtigil sa paglalaro ng basketball si Yap upang bigyang-daan ang trabaho nito bilang konsehal sa San Juan.
Kahit hindi pa pumipirma ng panibagong kontrata, umaasa si Yap na babalik ito sa koponan lalo pa't hawak na ito ni Guiao na biglang umalis sa anim na taong pagsisilbi bilang coach ng NLEX Road Warriors.
Umaasa si Yap na makakakuha pa sila ng kampeonato na huling natikman n koponan noong 2016 Commissioner's Cup.
“Baka ito na 'yung chance, si coach Yeng naman alam natin na isa sa pinakamagaling na coach sa PBA, so sana hopefully sana bago magtapos 'yung career ko sa PBA, makakuha tayo ng isa,” sabi pa ni Yap.
Si Yap ay dating manlalaro ni Guiao sanational team na Powerade Pilipinas noong 2009 FIBA Asia Championships sa Tianjin, China at sa Gilas Pilipinas sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Reynald Magallon