Ibinida ni Kapuso actress Carla Abellana na may bago na siyang favorite na gawin ngayon---matutong gumamit ng baril!

Sa Instagram post ng aktres noong Setyembre 4, 2022, makikita ang video clip ng kaniyang pag-eensayong gumamit ng baril, para aniya sa kaniyang kaligtasan at proteksyon.

"Time to invest for my safety and protection? 🚷"

"I’ve been most comfortable with (and quite good at handling 😉) a CZ P01 Omega Pistol ever since, but the CZ Scorpion EVO3 S1 Rifle? Let’s just say I have a new favorite," aniya sa caption.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Nagkomento naman dito ang kapwa Kapuso star na si Max Collins.

"Sabay tayo minsan!!" aya sa kaniya ni Max.

"G!" tugon naman ni Carla.

Aprub naman sa mga netizen ang bagong trip ni Carla ngayon.

"CZs are the best guns (for me)!!! Yes you have to protect yourself."

"Kailangan din natin mga babae ang matuto sa paghawak ng baril sa panahon ngayon kahit saan ka magpunta maraming masasamang tao makakatulong sa'yo 'yan Miss Carla kasi wala kang kasamang lalaki sa bahay mo na magpo-protekta sa'yo ingat ka at alagaan mo ang iyong sarili."

"Puwede ka na maging action star, Ms. Carla. Calling the attention of GMA, baka puwede namang action series para sa kaniya!"