"I-Dawn Zulueta mo 'ko out! I-Mimiyuuuh mo 'ko, pasoookkk!"

Talaga namang napaka-haba ng hair at bangs nitong sikat na social media personality na si "Mimiyuuuh" matapos siyang kargahin lang naman ng heartthrob na si Ian Veneracion, sa isang dinaluhang event.

"KUNG MAY I-DAWN ZULUETA NOON, MAY I-MIMIYUUUH MO NAMAN NGAYON! kimmmmyyyy~," ayon sa caption ni Mimiyuuuh sa kaniyang Instagram post noong Setyembre 4.

"GRABE, NANOOD LANG AKO NG THE LORD OF THE RINGS - THE RINGS OF POWER sa @primevideoph, NABUHAT NA KO NI SIR @ianveneracion1 🥺 "

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"Kaya kung ako sa inyo, manood na kayo ng #theringsofpower sa Prime Video at baka mabuhat rin kayo opo," aya pa ni Mimiyuuuh.

Napa-sana all na lamang ang mga netizen dahil ang suwerte-suwerte raw niya, lalo't marami nang nag-aasam noon pa man na makadaupang-palad man lamang si Dzaddy Ian---pero siya, hindi lamang nakadaupang-palad kundi nabuhat pa!

"Hahaha iba talaga!"

"Sana all!"

"Sarap sabunutan eh, masyadong mahaba ang hair!"

"Kween Mimi! Iba talaga! Lakas!"

"Hahahahaha kabog lahaaaaat!!!!"

"Grabe ka na Mimi apakan mo ako."

"Anong klaseng dasal ba ang ginawa mooo???"