BATANGAS - Tatlong magkakaibigan na angkas sa  motorsiklo ang nasawi matapos na bumangga sa likuran ng nakaparadang trak sa Taal, Batangas, Miyerkules ng madaling araw.

Ang mga biktima ay sina Jenny Lyn  Alvarez, ng Brgy. Ayao-lyao, Daniella Tracy  Alava, 21, residente ng Mahayahay, kapwa ng bayan ng Lemery at si Billy Joe Aquino, 27, ang driver ng motorsiklo na taga-bayan ng Agoncillo.

Ayon sa pulisya, tinatahak ng mga biktima ang highway, nang sumalpok sila sa hulihan ng trak na nakatigil sa diversion road sa Barangay Latag, na noo'y nagpapalit ng gulong.

Ang mga biktima ay nagtamo ng matindinf pinsala sa ulo at katawan at namatay noon din.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dahil sa lakas ng bangga ay nakapasiksik sa ilalim ang mga ito.

Naaresto ng Taal Municipal Police Station ang drayber ng trak na si Roberto  Vergara, 46.

Base sa  kuha ng CCTV, walang warning device na nakalagay malapit sa trak habang nagpapalit ito ng gulong.