Matapos panggigilan ng maraming manunuod si “Cesar” bilang manlolokong asawa sa “Apoy Sa Langit,” maging si Zoren Legaspi ay aminadong walang natutunan sa ginampanang karakter.

Ito ang diretsahang saad ni Zoren kasunod ng pagtatapos ng Kapuso afternoon hit drama noong Biyernes.

"Si Cesar, sa gag*ng 'yun, wala akong natutunan. Alam mo, wala ka namang matututunan sa gag*ng tao eh, sa totoo lang,” saad ni Zoren sa isang ulat ng GMA News.

Aniya pa, walang ginawang maganda ang kanyang karakter.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Si Cesar kasi, hindi mo alam kung nagsasabi ng totoo o hindi,” ani Zoren.

“Kasi may mga moments nagsasabi siyang mahal niya si Stella (karakter ni Lianne Valentino), pero after nu'n sasaktan niya," dagdag ng aktor.

Matatandaang trending at pinanggigilan ng masugid na tagasubaybay ang intense na mga eksena sa serye.

Basahin: ‘Di ko kaya!’ Carmina, naloka sa mainit na eksena ng karakter ni Zoren sa ‘Apoy sa Langit’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, pinagdiwang naman ng pamilya ni Zoren ang matagumpay na project nito sa pamamagitan ng isang intimate family dinner.

“We had a celebration lastnight for Tatay’s show- Apoy sa Langit and his great performance as Cesar. Bravo again Tatay. We are proud of you. 👍 So happy to bond with my family again. I love you guys 💙#LegaspiFamKada,” mababasa sa Instagram post ng misis ni Zoren na si Carmina Villaroel.

Nitong Lunes, umarangkada naman sa parehong Afternoon Prime ang serye ni Carmina na “Abot Kamay na Pangarap.”