Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang hamon ni basketball star Marc Pingris kay motivational speaker/fitness guru Rendon Labador, matapos nitong magkomento laban kay Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes, matapos ang laban sa koponan ng Saudi Arabia.

“Hindi tayo mananalo sa puro paawa effect,” ani Labador.

Nakarating naman ito kay Pingris na isang Gilas legend at diretsahang hinamon ng one-on-one ang motivational speaker.

"Rendon Labador … idol balita ko magaling ka daw sa basketball. 1on1 tayo san at kaylan mo gusto pupuntahan kita."

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Hindi naman nagpatiklop kay Pingris at tila nakahanda itong kumasa sa hamon nito.

"Patulan ko ba?🤦‍♂️ #1v1 Battle Of The YouTubers Boss MG exhibition game okay ka?," caption ni Labador sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 2.

Tila mapanukso naman dahil kalakip nito ang kaniyang litrato at ang post ni Pingris para sa kaniya.

"Pakitanong baka na bibigla lang siya. Nagkamali siya ng hinamon," ayon pa kay Labador.