Tila may pinatututsadahan umano ang modelo/TV personality na si Kat Alano sa kaniyang tweet noong Setyembre 3, 2022, tungkol sa "rapist".

"Either you stand with a rapist, or you stand with the truth. Time to #pickaside. Rape is rape, No amount of corruption is going to change that," aniya sa kaniyang tweet noong Setyembre 3, 2022.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

https://twitter.com/katalano/status/1565860957825277952

Matatandaang may pa-blind item noon si Kat tungkol sa isang sikat na celebrity na umano'y gumahasa sa kaniya, sa pamamagitan ng paglalagay ng pampatulog sa kaniyang alak upang maisakatuparan umano ang balak nito.

Hindi nagsampa ng kaso o reklamo si Kat dahil pinagbantaan umano siya ng personalidad na ito na sisiraan at kakasuhan, na bagama't hindi pinangalanan, ay nagbigay ng clue na 'sounds with wrong' ang first name daw nito.

May mga lumutang na espekulasyon noon, na ang tinutukoy raw niya ay ang aktor, dancer, at noontime show host na si Vhong Navarro, na muling nahaharap sa kumukulong tubig ngayon dahil sa muling pagbuhay sa rape case na isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo.

Wala namang kinumpirma si Kat kung totoo ba ang mga kumakalat na pangalan tungkol sa kaniyang blind item.

Matatandaang noong nakaraang buwan (Agosto), matapos ang ilang taon, ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang muling pag-file ng rape and acts of lasciviousness charges laban kay Vhong na isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo, matapos maibasura ng Department of Justice o DOJ.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/01/court-of-appeals-aprub-sa-muling-pagsampa-ng-kaso-ni-deniece-cornejo-laban-kay-vhong-navarro/">https://balita.net.ph/2022/08/01/court-of-appeals-aprub-sa-muling-pagsampa-ng-kaso-ni-deniece-cornejo-laban-kay-vhong-navarro/

Ayon sa lumabas na desisyon ni Associate Justice Florencio M. Mamauga, Jr., granted ang petisyon na muling maihain ang kaso, at "reversed" at "set aside" ang naging desisyon ng DOJ noong Abril 30, 2018 at Hulyo 14, 2020.

Ibinasura ng DOJ ang apela ni Cornejo na muling i-review ang kasong two counts of rape na isinampa niya laban kay Navarro----na isang sexual intercourse at sexual assault, na naganap daw noong Enero 17 at 2, 2014. Ngunit ayon sa DOJ, walang probable cause upang maparusahan ang TV host sa naturang krimen.

Basahin: Ginahasa si Deniece Cornejo? Comedian-host Vhong Navarro, kinasuhan na sa Taguig – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa unang araw ng Agosto, bumungad na nga sa mga balita ang desisyon ng CA.

"The Office of City Prosecutor of Taguig City is thus DIRECTED to the informations against "Ferdinand 'Vhong' H. Navarro" for: (1) Rape by Sexual Intercourse under Article 266-A (1) of the Revised penal Code, as amended by Republic Act No. 8353; and (2) Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code."

Matatandaang nagsimula ang kasong ito noong 2014 matapos paratangan ni Cornejo si Navarro ng attempted rape. Na-involve sa kaso ang kaibigan ni Cornejo na si Cedric Lee at mga kasama nito matapos umanong bugbugin ang comedian-TV host sa condo unit sa BGC, dahil sa mga akusasyon ni Cornejo.

Noong Agosto 31, muling itinanggi ni Vhong ang akusasyon sa kaniya ni Deniece habang aminadong ang tanging kasalanan niya lang noon ay “niloko” niya ang kaniyang girlfriend at kalauna’y napangasawang si Tanya Bautista.

“Ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko dito ay yung niloko ko yung girlfriend ko noon at ito na yung wife ko ngayon,” ani Vhong sa isang panayam ng ABS-CBN.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/03/vhong-navarro-muling-pinabulaanan-ang-alegasyong-rape-ni-deniece-cornejo-alam-ng-panginoon-yun/">https://balita.net.ph/2022/09/03/vhong-navarro-muling-pinabulaanan-ang-alegasyong-rape-ni-deniece-cornejo-alam-ng-panginoon-yun/