Napa-throwback si “RnB Queen” Kyla sa “kilig moments” noong una niyang ma-meet ang noo’y basketball player at ngayo’y asawang si Rich Alvarez.

Sa isang Instagram post, Martes, binalikan ni Kyla ang unang pagkikita nila ni Rich noong 2004.

“Finally found this! Our picture from 2004 when i first met Rich in Araneta for Ate Regine’s concert- where I was a guest. Dito yung pinakanta ako ni ate ng ‘Somewhere Over the Rainbow.’ Buwis buhay mumsh. Kaloka. Haha!” pagbabahagi ng Kapamilya singer kalakip ang larawan nila ni Rich.

Matapos aniya ang concert, sumadya sa backstage si Rich at nagpapirma sa tatlo niyang album at sabay ding nagpa-picture.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Eh ang cute. Kilig ako dyan. Di ko lang pinahalata. Syempre. Dalagang Pilipina,” aniya

“Who would’ve thought i’d marry this man years later. Kala ko nga dati, walang magkakagusto sakin,” dagdag ng singer.

Basahin: RnB Olympics! Kyla, pinalagan ang bagong komplikadong kanta ni Beyonce – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kahit na 18 taon na ang nakalilipas, naalala din ng malalapit na kaibigan ang special moment na ito para kay Kyla.

“I remember this moment mare ❤️ I love for always ❤️❤️❤️” komento ni Karylle sa throwback post ni Kyla.

“Ay!! Naalala ko nung kumain tayo nina Karyll sa Tomas Morato tapos kinwento mo yan!!!! Kiliiiiig!” segunda rin ni Jolina.

Taong 2011 nang ikasal ang Kapamilya singer sa basketball star na si Rich Alvarez.

Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang anak sa katauhan ni Toby.