Iniutos ng Department of Agriculture (DA) ang pagkatay sa mga baboy na tinamaan ng African swine fever sa Santa Magdalena sa Sorsogon upang hindi na lumaganap pa ng sakit.

Ito ay nang matuklasan sa pagsusuri ng DA-Bicol na nagpositibo sa ASF ang mga alagang baboy sa naturang bayan.

"DA-Bicol Regional Executive Rodel P. Tornilla already sent a letter to the LGU informing the protocols to be followed. We have also coordinated closely with the provincial local government unit of Sorsogon and the municipal agriculturist of Santa Magdalena for the depopulation which was conducted last Friday," sabi ni DA-5 information officerLovella Guarin.

Umabot na sa 39 na babuyan ang apektado ng sakit kaya inatasan na ang mga ito na katayin na ang mga alagang baboy.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nakipagpulong na rin si DA-Bicol Regulatory Division chief Rose Imperial kaySorsogon Governor Jose Edwin Hamor upang maipatupad angborder control sa Matnog, Bulan, Juban, at Sorsogon City upang harangin ang mga ipinapasok na baboy sa lugar.

PNA