Usap-usapan ngayon ang walang prenong pagbabahagi ni Markus Paterson sa aniya’y natutunan sa kaniyang past relationship na hindi lingid sa publiko, sangkot si Janella Salvador.

Walang filter at diretsahan ang pagpapahayag ng aktor na si Markus sa pilot episode ng “Boys After Dark” ng Rise Artists Studio ukol sa tila hindi magandang karanasan nito sa isang relationship kasama ang kapwa showbiz personality.

Pinamagatang “Truth and Lies in Relationships,” maanghang na inamin ng aktor ang natutunan niya sa pakikipagrelasyon sa kapwa artista.

“Kung may lessons ako sa mga relationships ko, never to f*cking date someone in the industry, bro. 'Wag niyo i-cut 'yan, seryoso ako diyan,” maanghang na saad ni Markus sa isang bahagi ng show na agad namang kinalma ng kapwa Rise artists na sina Anthony Jennings, Aljon Mendoza, Gello Marquez at Jae Miranda.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Muli pa niyang pinanindigan at senigundahan sa bandang dulo ng naturang YouTube episode ang pahayag.

“Sa lahat ng mga manonood na batang artista o gustong mag-artista, 'wag kayong mag-date ng ibang babaeng artista,” anang aktor.

Umani ng sari-saring reaksyon online at agad na nag-viral ang naturang “no filter” ma reaksyon ng aktor sa Twitter.

https://twitter.com/elabirb/status/1566100177638678528?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1566100177638678528%7Ctwgr%5E2c03ada2d80e58849b675d6151733943c330091d%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fkami.com.ph%2Fentertainment%2Fcelebrities%2F146352-video-ni-markus-paterson-na-sinasabing-wag-makipag-date-sa-babaeng-artista-viral-na%2F

Basahin: Sagot ni Janella na masaya sila ‘individually’ ni Markus, ‘chinarot-charot pa,’ sey ng netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang hiwalay na YouTube vlog noong Sabado, inamin na rin ng Kapamilya actress na si Janella na isa na siyang ganap na single mom, isang kumpirmasyon sa hiwalayan nila ng aktor na ilang buwan nang espekulasyon lang.

“Talagang nilalaban ko iyon. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I don’t want it to sound bad kasi, pero I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba,” ani Janella ukol sa kaniyang pagiging single mom sa vlog ni Bernadette Sembrano.

Sa isang showbiz vlog ni Ogie Diaz noong Hunyo, matatandaang muling naungkat ang umano’y drinking problem ng aktor na kinabuwisitan umano ni Janella.

Basahin: Janella, nabubuwisit daw sa ‘drinking problem’ ni Markus; Kapamilya couple, nag-split na rin — Ogie Diaz – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“‘Yung nakarating sa amin, noon pa natin ‘to binalita dito, na may drinking problem si Markus Paterson. ‘Yun ang chika. Nabubuwisit daw itong si Janella dahil natu-traumatize siya sa mga lalaking umiinom at hindi nilalagay sa tiyan ang iniinom,” sey ni Ogie.

Ang Kapamilya showbiz ex-couple ay may isang supling sa katauhan ni Jude.