Nasa 300 kawani ng Intercontinental Broadcasting Corporation o IBC-13 ang mawawalan ng trabaho kung ito ay isasara sa Enero 2023.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni IBC-13 president Hexilon Alvarez, mangyayari ito kung tuluyan nang hindi sila bibigyan ng pondo para sa operasyon ng nabanggit na istasyon.

Mayroon din aniyang "outstanding obligations" ang government-controlled network, hindi lang sa kanilang empleyado kundi pati na rin sa kanilang mga retirado na hindi pa nakatatanggap ng buong halaga ng ipinangako sa kanila alinsunod na rin sa collective bargaining agreement (CBA).

"We have about 146 retirees. And with whatever resources we have, [we] are trying to pay them off a staggered basis, monthly," anito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

"If this would be the case, 300 lives plus their families would be detrimentally affected and we would have a very difficult time," patuloy ni Alvarez.

"Pakiusap po namin kay Pangulong Bongbong Marcos, sana matulungan po kami.... Huwag po sana ipasara para magpatuloy po kami sa pagseserbisyo sa bayan," apela naman ni IBC-13 employees' union president Alberto Liboon.

Nagpadala na rin aniya sila ng liham saDepartment of Budget and Management (DBM) upang kumbinsihin na maglabas ng erratum hinggil saproposed 2023 national budget.