Diretsahang inamin ng fashion socialite na si Heart Evangelista ang personal na pinagdadaanan sa gitna ng mga intrigang napupukol ukol sa hiwalayan umano nila ni Senador Chiz Escudero.

“I’ve always been such a happy person and I’ve always been somebody who just goes against the tides and just let the waves crash on me,” pagsisimula ni Heart sa kaniyang pinakahuling life vlog update.

Diretsahang saad ng Kapuso actress, may pinagdadaanan siyang personal sa ngayon.

“I’m not gonna lie, I’ve been going through a lot of personal stuff in mind. At the end of the day, I’m still very grateful and as long as there’s life, there’s hope. I try to see the beautiful things in everything that I go through whether that’s being pressured,” aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Basically, I feel like, you know, I mean YouTube is not an Instagram. YouTube is a place where you can be less filtered. I’m not gonna deny that I’ve been going through personal struggles,” dagdag ng aktres na dala rin aniya ng pressure.

“Basically now, I’m in search of just being happy,” aniya pa.

Sunod na muling binanggit ni Heart ang kamakailang napatanto niya kaugnay sa kaniyang lifestyle.

“Life is not just about the material stuff. I mean, it helps a bit,” anang aktres habang aminado naman siyang kakaibang magpataas ng moral ang mga sinusuot na luxury items.

“But really, it’s about the simplest things in life that are very important, and that makes a person happy. That’s where I’m at now,” aniya.

Basahin: ‘Change of heart’: Heart Evangelista, hindi na basta-basta bibili ng mga mamahaling gamit – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa ngayon, mas naa-appreciate ng aktres ang small moments kasama rin ang kaniyang alagang aso na sina “Panda” at “Shuti.”

Kinilala rin ni Heart sa kaniyang vlog ang mga kababaihang inspirasyon na nagpakita aniya ng lakas sa kabila ng pinagdaraanang personal struggles.

Dagdag ng aktres, “it’s about inner strength” at pagiging independent sa mga gusto mong maabot sa buhay.

Muli namang nagpasalamat ang aktres sa lahat ng dinaranas na ginhawa sa buhay.

Dito sunod na inanunsyo ni Heart ang mga pagbabago sa kaniyang YouTube at Instagram kung saan ipapakita niya ang “unfiltered version” ng kaniyang buhay.

“Not everything is dandy and beautiful at the end of the day. But I feel like it’s always important to always be authentic and really stay true to yourself whether people agree with you or not,” ani Heart.

Nitong mga nagdaang linggo, ilang subscribers ni Heart ang nakapansin sa “very empty” umanong disposisyon, at umano'y pahiwatig ng aktres kasunod ng mga usap-usapan ukol sa umano’y hiwalayan nila ni Chiz.

Basahin: ‘Very empty’: YouTube subscribers ni Heart Evangelista, may napansin sa latest vlog ng aktres – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa ngayon, parehong kampo ng mag-asawa ang wala pa ring direktang tugon ukol sa isyu.