Ibinahagi ng sikat na actress-TV-host-vlogger na si Alex Gonzaga ang kaniyang "word of wisdom" tungkol sa pagsasabi ng "truth" at "story" sa itinakdang panahon ng Diyos, sa pamamagitan ng kaniyang tweet nitong madaling-araw ng Linggo, Setyembre 4, 2022.

"One day the Lord will give you the time and chance to be able to tell your truth and story. Be patient ❤️," aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1566170510077186049

Kaagad namang nagkomento rito ang mga netizen na naiugnay sa usaping politikal.

"Lol talking about truth and story talaga. Kausapin mo mga biktima ng ML. Wag ka magpakasanto."

"So meaning all this time, lahat ng sinasabi mo ay puro kasinungalingan.. kailan ka magsasabi ng totoo?? Hahahaha…"

"Weh, ginagamit mo na naman si Lord as front."

"Yan ba yung tallano gold? Lol"

"Huwag mo idamay si Lord."

Sa kabilang banda, may mga netizen naman na sumuporta sa kaniyang sinabi at nag-Amen.