Idinaan sa biro ni dating Hashtags member Nikko Natividad ang pag-call out sa kaniya ng isang netizen tungkol sa ginagawa niyang pagpo-post ng "pa-girl" at paggaya sa mga kaibigan niyang celebrity na sina Elisse Joson at Loisa Andalio.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/nikko-natividad-ginaya-sexy-pose-ni-elisse-joson-ibinida-kung-paano-manlandi-ng-misis/">https://balita.net.ph/2022/08/08/nikko-natividad-ginaya-sexy-pose-ni-elisse-joson-ibinida-kung-paano-manlandi-ng-misis/

View this post on Instagram

A post shared by NikkoDAKS (@hashtag_nikko)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ibinahagi ni Nikko ang screengrab ng komento sa kaniya ng netizen at kung paano niya ito sinagot.

"Will never tired of telling y'all to stop exploiting and deglamorizing 'Femininity.' Bitches be like praising heteros but invalidate when an actual gay person being effem. It doesn't make sense @hashtag_nikko, it's not funny anymore," sey ng netizen.

Tugon naman ni Nikko, "Sorry to tell, I'm not deodorizing the femine, I did not harm and doesn't invalidate the hormonal vision of pulmonary bitches. Thank you."

Sa kaniyang caption, sinabi ni Nikko na huwag siyang hahamunin sa Englisan.

"Pa-ganito-ganito lang ako. Pero pag sinubukan nyo ko sa Englisan malamang magbe-bless kayo."

Sa comment section, sinabi ng mga netizen na wala namang masama sa kaniyang ginagawang panggagaya.

"Sa tingin ko naman walang masama mga post mo. Purely katuwaan lang talaga. And nakakatuwa din naman and you nailed it."

"Bakla ako pero jusko puro mga iyakin 'yang mga' yan. Nothing offensive sa ginawa mo."

"Wala naman masama ro'n? Mga kaibigan mo lang din naman yung mga ginagaya mo… big deal agad?! Walang sense of humor!!! Go lang bakla!!!"

"Very well said… clap, clap… napapasaya mo palagi ako sa mga post mo. Ang killjoy nya. Hehehe."