Patay ang asawa't anak ng dating pinuno at tagapagsalita ng New People's Army (NPA) na si Jorge Madlos, alyas 'Ka Oris' nang makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa Impasug-ong, Bukidnon kamakailan.

Sa report ng 403rd Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army, nakasagupa umano ng mga tauhan ng 8th Infantry Battalion ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Kapitan Bayong nitong Sabado ng hapon.

Napatay sa engkuwentro ang anak ni 'Ka Oris' na si Vincent Isagani Madlos at asawang si Angie Polandres Salinas.

Nasamsam ng militar sa pinangyarihan ng sagupaan ang dalawang assault rifle na AK-47, granada, at mga personal na gamit.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matatandaang napatay ng militar si 'Ka Oris' sa isang umano'y operasyon sa Brgy. Dumalaguin, Impasug-ong noong Oktubre 2021.