Flinex ni Kapuso actress Carla Abellana ang tila hasadong paghawak nito ng isang uri ng baril kasunod ng isang gun firing session.

“Time to invest for my safety and protection?” mababasa sa caption ng aktres sa isang Instagram post.

Pagmamalaki ni Carla, komportable siyang ginagamit ang CZ P01 Omega Pistol mula pa noon.

Makikita pang ilang bala ang sumapol sa target board matapos itutok at ikasa ng aktres ang naturang weapon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinubukan din ng aktres ang CZ Scorpion EVO3 S1 Rifle na agad naman niyang naging instant favorite.

Namangha sa itinatagong gun skills ng aktres ang ilang fans at followers nito.

“It’s one of those things na “it’s better to have it and not need it than to need it and not have it”. Also, Basta CZ, hinding-hindi ka magsisisi!” komento pa ng isang follower ng aktres.

Hindi rin napigilan ng kapwa aktres at kaibigan na si Max Collins na mag-react sa pag-flex ni Carla sa kaniyang abilidad at inaya pa ito ng sabay na session.

Ilan fans din ang nagpahayag na swak ang Kapuso actress sa isang action drama project.