Kapana-panabik na ang mga eksena sa bagong yugto ng teleseryeng "A Family Affair" na pinagbibidahan ng aktres at internet sensation na si Ivana Alawi, kasama ang kaniyang leading men na sina Gerald Anderson, Jake Ejercito, Jameson Blake, at Sam Milby.

Batay sa bagong teaser, mukhang nalaman na ni Cherry Red (karakter ni Ivana) ang sikreto tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama, na kagagawan ng ama ng apat na magkakapatid na itinuring na niyang pamilya.

Pakiramdam daw ng karakter ni Ivana ay nababaliw na siya sa pagnanais na malaman ang katotohanan at makapaghiganti, kaya mula sa "Cherry Red" ay "Cherry Black" na siya, simbolo ng unti-unting pagbabago sa kaniyang karakter.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/01/hindi-na-red-cherry-ni-ivana-itim-na/">https://balita.net.ph/2022/09/01/hindi-na-red-cherry-ni-ivana-itim-na/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ito ang kauna-unahang lead role ni Ivana kaya puring-puri ang mga netizen sa acting skills na ipinakikita ni Ivana. Puring-puri din ang unpredictable na mga pangyayari sa takbo ng kuwento.

"Ito 'yong teleseryeng unpredictable ang next scene… Kudos to the writer, director, staff and crew."

"Excited na ako sa pagbabago ni Cherry Red!"

"Paganda nang paganda ang mga susunod na eksena grabe goosebumps!"

"Ang ganda na talaga ng A FAMILY AFFAIR…"

At dahil nasa bagong yugto na ang serye, usap-usapan naman ng mga netizen ang tila "shade" o patama raw ng serye, sa linyahang "Unity sa pagsisinungaling!" na binigkas ng isa sa mga karakter, gayundin ang "The family that lies together, stays together.

Narito ang reaksiyon ng mga netizen matapos mapanood ang teaser.

"Unity sa PAGSISINUNGALING! Ingat lang po, may natatamaan sa labas…"

"The family that lies together stays together. Unity sa pagsisinungaling. Shade!"

"Tama ba yung dinig ko sa isang linya sa trailer ng A Family Affair teleserye na: '…unity sa pagsisinungaling'? Bato, bato sa langit ang tamaan wag magalit!"

"Grabe 'yung teaser for the next chapter. Habang ibinabaon nila ang mga sikreto, lalong uusbong ang mga kasalanan ng mga Estrella. 'Unity sa pagsisinungaling'. Ang husay!"

Mapapanood ang "A Family Affair" pagkatapos ng "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" sa online platforms ng Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, at TV5.