Hindi natuloy ang nakatakda sanang concert ng grupong "Ben&Ben" ngayong Setyembre 3, 2022 sa Cultural Center of the Philippines o CCP Grounds dahil sa malakas na pag-ulang dulot ng bagyong "Henry".

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Ben&Ben Management tungkol sa postponement ng send-off concert. Iginiit ng pamunuan at organizers na kaligtasan ng mga manonood at artists ang kanilang prayoridad. Walang dapat ipag-alala ang mga tagahanga dahil rescheduled lamang ito.

"Safety is our top priority and we carefully made this decision along with Ovation Productions, our official event producer. More details soon," ayon sa opisyal na pahayag.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Larawan mula sa Ben&Ben Management via Manila Bulletin

Nagbahagi naman ng video clip kung gaano kalakas ang ulan sa venue at tila mawawasak ang naka-set up na entablado, ang concert director nitong si Paolo Valenciano, anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

"Thanks , everyone! I had to stop taking because we thought the stage was going to collapse. The concert has been postponed 💔 but at least no one got hurt," ani Paolo sa comment section ng kaniyang Facebook post.