Dalawampu't dalawang taong gulang na ang sexy actress na si AJ Raval ngayong Sabado, Setyembre 3, 2022, kaya naman nag-post siya sa Instagram ng kaniyang mga litrato para sa kaniyang kaarawan.

May simpleng caption itong "🌸 09.03.22 🌸" at "Thank you 💘."

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi naman tinukoy ni AJ kung sino ang pinasalamatan niya sa kaniyang "Thank you". At mukhang may nagbigay sa kaniya ng bouquet of flowers batay na rin sa kaniyang mga ibinahaging litrato.

Binati naman siya ng mga katrabahong sina Andrew Muhlach, Sean De Guzman, at ang vlogger-actress na si Donnalyn Bartolome na kamakailan lamang ay naging kontrobersyal ang "kanto-style birthday party".

Nagpaabot din ng pagbati ang kaniyang mga tagahanga sa comment section.

Makikitang ni-like o pinusuan naman ng rumored boyfriend niyang si Aljur Abrenica ang kaniyang post.

Tanong ng mga netizen: kay Aljur kaya galing ang mga bulaklak sa birthday post ni AJ, at siya kaya ang sinabihan nitong "Thank you" with matching heart with arrow emoji?

Anyway, kamakailan lamang ay ipinakita ni AJ sa publiko na wala siyang baby bump at hindi umano siya buntis, batay sa kumakalat na tsika, at ayon na rin sa ispluk ng showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/25/aj-raval-bumulaga-sa-madlang-pipol-may-baby-bump-ba/">https://balita.net.ph/2022/08/25/aj-raval-bumulaga-sa-madlang-pipol-may-baby-bump-ba/