Patay ang isang 1-taong gulang na batang babae nang mahulog mula sa sinasakyang motorsiklo at masagasaan pa ng kasunod na pampasaherong jeepney sa Teresa, Rizal nitong Biyernes, Setyembre 2.

Naisugod pa sa St. Therese Hospital ang biktimang si Jozella Ramirez ngunit binawian na rin ito ng buhay habang nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng jeep na si Jayson Curioza.

Batay sa ulat ng Teresa Municipal Police Station, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa National Road, J. Sumulong Avenue, sa Brgy. Bagumbayan sa Rizal.

Nauna rito, nakasakay ang biktima sa itim na motorsiklong for registration at minamaneho ng kanyang kaanak na si Joseph Ramirez, kasunod ang passenger jeepney na may plakang DWX-939, na minamaneho naman ni Curioza.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Gayunman, pagsapit sa naturang lugar ay nahulog ang bata mula sa motorsiklo at gumulong sa kalsada.

Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na nagawang makapagpreno ni Curioza at nasagasaan ang biktima na nakahiga sa kalsada.

Si Curioza ay maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.