Sa kabila ng paghina ng dating super typhoon 'Henry' ay apektado pa rin nito ang Batanes at dalawa pang lugar sa northern Luzon.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), isinailalim sa Signal No. 2 ang Batanes, habang inilagay naman sa Signal No. 1 ang Babuyan Islands at northern eastern portion ng mainland Cagayan.

Nagsimula nang bumagal ang paggalaw ng bagyo patungong Philippine Sea na nasa silangan hilagang silangan ng Batanes, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang bagyo 365 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes, taglay ang hanging 165 kilometer per hour (kph) at bugso na 205 kph.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Bukod sa mga natukoy na lugar, asahan din ang matinding pag-ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Apayao, Abra at Cagayan.

Binalaan ang mga residente sa posibleng pagbaha at landslide.

Maaapektuhana naman ng habagat o southwest monsoon ang Isabela, kanlurang Central Luzon, at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region. 

Inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa Sabado ng gabi.