Ipinuwersa ng San Miguel ang isa pang laro o winner-take-all Game 7 matapos manalo sa Game 6 laban sa TNT Tropang Giga, 114-96, sa PBA Philippine Cup finals sa Araneta Coliseum nitong Biyernes ng gabi.

Sumandal ang Beermen sa ganadong si Marcio Lassiter na kumana ng 22 puntos, habang sina CJ Perez at Simon Enciso ay kapwa nag-ambag ng tig-20 puntos.

Nasayang naman ang 31 puntos ni RR Pogoy nang hindi maipanalo ang laro.

Nalimitahan naman ng dalawang puntos ang partner nito na si Mikey Williams.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nahirapan ang TNT nang hindi makita sa aksyon ang point guard na si Jayson Castro dahil sa injury.

Iitnakda ang Game 7 sa Araneta Coliseum sa Linggo, Setyembre 4.