Ito ang tanong na kumorner kay Catriona Gray sa isang panayam sa isang fashion event kamakailan.

Consistent ang dating Miss Universe sa paggamit ng kaniyang malawak na impluwensya para isulong ang kaniyang mga adbokasiya.

Ito ang napansin ng kaniyang followers kasunod ng pasa-Vogue na sustainable dress suot ni Cat sa launch ng Vogue Philippines noong Lunes.

Likha ni Maison Glarino at Jaggy Glarino ang white dress na suot ni Cat na gawa sa recycled plastic bottles.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, kinakiligan naman ng fans ang lantarang pagdalo nina Cat at boyfriend na si Kapamilya actor na si Sam Milby sa parehong event.

Kaya naman nang dumalo muli sa isang fashion event sa Preview Ball nitong Miyerkules, nakorner ang beauty queen at singer sa isang tanong ukol sa estado ng relasyon nila ni Sam.

Magpapakasal na nga si Cat at Sam?

“Well, let’s see,” aniya.

“I think we’re just taking our time. I really love where our relationship is. We’re very supportive of each other. I think, we’re just taking our time,” dagdag na detalye ng 28-anyos na celebrity.

Hindi naman nakuhanan ng reaksyon ang 28-anyos na aktor ukol sa pahayag ng girlfriend.

Noong Mayo 2020 nang lumantad sa publiko ang showbiz couple.