Para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray, hindi dapat limitahan ang mga kababaihan na sumabak sa pangarap na maging titleholder sa kadahilanang sila’y ganap nang isang ina o may asawa.

Ito ang ipinunto ni Catriona matapos ang pinag-usapang pagbabago umano sa polisiya ng Miss Universe organization kamakailan na magbukas sa mga dati o kasalukuyang may-asawa, buntis o isa nang ganap na ina.

“I wouldn’t consider it an issue more as a step towards inclusivity. I think it’s really timely to allow women in whatever capacity to go after the dream of being a Miss Universe,” ani Catriona sa isang panayam kamakailan.

Basahin: Miss Universe, bubuksan na maging sa kababaihang buntis, may anak, asawa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Gayunpaman, kagaya ng ilan, may agam-agam din si Catriona kung paano pagsasabayin ng isang Miss Universe reigning queen ang tungkulin bilang isang buntis o may-asawa.

“I do see it would be difficult for a young mother with young children to balance the responsibility, the scheduled that comes with being a Miss Universe,” ani Catriona.

“It’s a grueling schedule. It pulls you to different parts of the world and you don’t really have a say where takes you,” dagdag niya.

Matatandaang nauna nang nagpahayag ng parehong sentimiyento si Miss USA 2016 Deshauna Barber sa panukalang polisiya.

Basahin: Dating Miss USA, may agam-agam sa bagong polisiya ng Miss Universe Org – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Umaasa naman si Catriona na maglalatag ng inclusive measures, at guidelines ang organisasyon para mapangalagaan ang interes ng titleholder bilang isa ring ilaw ng tahanan.

“Miss Universe is a dream and I always believe it’s a platform to represent something. Like we go out there like as a desirable image to have a voice and to be able to amplify that. Why should being married or being a mother limit women from being able to do that, for being a spokesperson, to be an influence,” mariing punto ni Catriona.

Samantala, ilang proyekto ang nakalinya ngayon kay Catriona bagaman hindi pa nito naibahagi ang mga detalye.