Napakomento ang international rapper na si Nicki Minaj sa latest TikTok content ni Kapamilya actor Joshua Garcia habang sumasayaw sa isang sikat na dance remix.

Naloka ang maraming Pinoy fans matapos maispatan ang komento ng award-winning rapper sa pinakahuling paghataw si Joshua sa TikTok.

Nahuli ng “Darna” actor ang atensyon ni Nicki nang sayawin nito ang sikat na TikTok remix na “Super Freaky Girl x Luxurious.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Matatandaang ang “Super Freaky Girl” ang kauna-unahang solo track ng “Queen of Rap” sa Billboard Hot 100.

Isang in love emoji ang iniwan ng rapper sa TikTok upload ni Joshua at libu-libong Pinoy fans ang ‘di makapaniwala sa interaction ng global artist sa Pinoy actor.

Nasa mahigit 15 million views na ang naturang TikTok content at sa pag-uulat at napusuan na ng mahigit tatlong milyong netizens.

Noong Linggo, agaw-eksena si Nicki sa kaniyang lauded MTV Video Music Awards performance sa mga kantang “Super Freaky Girl” at “Anaconda.”

Pinarangalan din bilang VMA Video Vanguard recipient si Nicki kung saan isinulong ng artist sa kaniyang acceptance speech ang mas mabigat pang pagbabantay sa usapin ng mental health.