Nagkita sa isang event sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Unkabogable Star Vice Ganda, at sa pagpuri ng komedyante, sinabi niyang si Marian umano ang "most beautiful celebrity" para sa kaniya.

Ayon sa video na ibinahagi ng Philippine Entertainment Portal o PEP, lutang na lutang ang angking ganda ni Marian suot ang pink gown, habang naka-black naman si Vice.

Para kay Vice, mukhang laging mabango ang kilikili ni Marian dahil sa kaputian ng kutis nito na talaga namang fresh na fresh.

Nagpakuha naman ng litrato ang dalawang superstars ng kani-kanilang mga network.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Tila sumang-ayon naman ang mga netizen sa papuri ni Vice kay Marian.

"Si Marian, maganda na talaga kahit noong una pa, walang retoke, pero mas lalong gumanda noong nagka-anak, yung saya niya bilang ina at asawa kita mo sa glow niya na panlabas…"

"Sana magkaroon sila ng movie na magkapatid sila ang ganda siguro ng tandem nila."

"Sobrang ganda at parang ang bango-bango naman talaga ni Marian!"

"Both beautiful Marian and Vice Ganda! Sana gawa kayo ng movie."

Samantala, hindi lamang si Marian ang Kapuso star na nakahalubilo ni Meme Vice kundi maging ang rumored couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/22/ruru-madrid-first-time-sinagot-kay-jessica-soho-ang-tungkol-sa-label-ng-relasyon-nila-ni-bianca-umali/">https://balita.net.ph/2022/08/22/ruru-madrid-first-time-sinagot-kay-jessica-soho-ang-tungkol-sa-label-ng-relasyon-nila-ni-bianca-umali/

Matatandaang inamin ni Ruru na apat na taon silang nasa dating stage ni Bianca, at wala pa talagang depinidong label ang kanilang relasyon.