Hindi nakaligtas sa "mapagmatyag" na mga mata ng netizen ang paiba-ibang costume na suot ni Jane De Leon bilang "Darna", sa lumilipad na sa ereng "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" kung saan ilang beses na ring nasaksihan ang pagpapalit-anyo ni Narda patungo sa naturang iconic superhero.

Unang napansin ng mga netizen sa unang linggo pa lamang ng pag-ere nito, ay ang iba-ibang disenyo ng kaniyang headdress.

At ngayon naman, napansin namang nagkaiba ang pulang armor sa beywang nito.

Marami naman sa mga netizen ang ginawa na lamang katatawanan ito. Ibig sabihin daw, "naliligo" at "nagpapalit" ng damit si Darna, kagaya ng karaniwang tao. Hindi lamang siya maganda kundi malinis pa sa katawan.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Magkagayunman, marami pa rin ang pumupuri sa angking ganda at husay sa pag-arte ni Jane bilang si Darna, na talaga namang umani ng kritisismo noon.

Anyway, laging trending sa social media ang Darna at panalo naman sa TV ratings ang katapat nitong "Lolong" sa GMA Network.