Umabot na umano sa 30 estudyante ang naging biktima ng umano'y sexual harassment sa Bacoor National High School, ayon sa pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Huwebes.

Isinapubliko ito ng CHR kasunod na rin ng paglulunsad nila ng imbestigasyon sa usapin.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni CHR Regional Director Rexford Guevarra na kinukumbinsi na nila ang 30 na estudyante upang makapagbigay ng sinumpaang salaysay laban sa mga gurong idinadawit sa insidente.

Nangako si Guevarra na tutulungan nila ang mga biktima na maghain ng kaso.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Bukod dito, bibigyan din sila ng psychosocial support at tulong pinansyal.

"We will evaluate their cases when we gather their affidavits. And we can also assist them in filing the necessary charges," anito.

Nauna nang nanawagan siDepartment of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa, sa mga biktima na estudyante na magsampa ng pormal na reklamo upang tumibay ang kaso.

"Although nagtutuloy iyong imbestigasyon natin, ang problema is walang masyadong mga complainants na nagpa-file ng kanilang affidavits," dagdag pa ni Poa.